Ang San Isidro de Labrador Scholarship Grant (SILSGI) ay isang scholarship grant na ipinagkakaloob sa mga anak ng maralitang magsasaka na nagnanais makapagtapos sa kursong may kaugnayan sa Agrikultura. Ito ay isang programang tumutulong upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagtustos sa matrikula, libro at iba pang kagamitan sa pag-aaral.
Ang SILSGI ay may layunin na makapagtaguyod ng mga mag-aaral mula sa pamilya ng magsasakang Pilipino na may adhikain na maging isang propesyonal sa larangan ng Agrikultura. At magkaroon ng pagkakataong maging bahagi ng Planters Products, Inc. (PPI) bilang isang manggagawa o Field Technician.