Sa edad na 65 na taong gulang, ang pagtatapos ng pag-aaral ang pinaka-pinangarap ni Diosdado G. Evangelista, isang magsasaka mula Barangay West, Candoni, Negros Occidental.
Isang magsasaka mula sa pagkabata, ininais ni Diosdado na makabalik sa pag-aaral para mapatunayan ang sarili sa pagtatapos ng kolehiyo. Ang kanyang apat na anak ay nakatapos ng kolehiyo, at mayroon nang mga trabaho.
"Dapat ako rin", ayon kay Diosdado.
Nais ni Diosdado kumuha ng mechanical engineering pagtapos ng high school, ngunit sya ay inenroll ng kanyang ama sa isang auto mechanic voncational course sa dahilanang "Pareho lang ang mechanical at mekaniko." Nang magtapos sa vocational training, nagtrabaho siya bilang mekaniko ngunit dahil sa kakulangan ng kagamitan ay bumalik sa pagsasaka.
Kasalukuyang nag-aaral si Diosdado sa Candoni Campus ng Central Philippines State University (CPSU). Layon ng paaralan na magbigay ng oportunidad makapag-aral ang kabataan sa malalayong komunidad gaya ng Candoni sa pamamagitan ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa pagbalik ni Diosdado sa pag-aaral, siya ay nagsisilbing huwarang modelo para sa kabataan.
Employee's Corner :
e-Pay • e-Pay (PKSC) • C.O.F. Monitoring